by TSU 87.5 Firefox Radio
BackIsang matagumpay at pinagpalang programa ang naisakatuparan bilang pagdiriwang ng National Bible Month ngayong taong 2026 sa temang "God’s Word Brings L.I.F.E. (Love, Integrity, Faith, Engagement) to Our Hearts and to Our Homes." Ipinakita sa talakayan kung paano nananatiling buhay at napapanahon ang Salita ng Diyos sa buhay ng isang estudyante, pagpapasya, relasyon, at pananampalataya sa loob ng paaralan.
Sa pamamagitan ng makabuluhang Pagbabahagi nina Pstr. Jess T. Cawili, Pres. Samuel Danrev John Rosales, at VP John Paul Buan ng Christian Way Society, naipakita kung paano isinasabuhay ang Salita ng Diyos hindi lamang sa ating puso kundi pati sa ating tahanan at komunidad.
Lubos ang aming pasasalamat sa aming host na si RJ Tiammy, sa mga panauhin, at sa bawat tagapakinig na nakiisa at nakinig. Nawa’y patuloy na maging liwanag, pag-asa, at direksyon ang Salita ng Diyos sa bawat estudyante ng TSU at sa sambayanang Pilipino.
Smith Hall, Romulo Boulevard, San Vicente, Tarlac City, Region III, 2300, Philippines
(045) 606 8171